MAAYOS at malinis na ang kama paggising ni Louraine. Nakatupi na ang kumot at pati ang dextrose na nakasabit doon ay wala na rin. She quickly jumped out of the sofa, saka niya lang napuna ang kumot na nakatakip sa kanya na hindi man lang niya matandaan kung kailan niya ginamit. Napailing siya. Duke. Tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Agad niyang nasalubong si Layla na naglilinis ng hagdanan. "Si Duke?" tanong niya rito. "Maaga pong umalis. May importanteng lakad daw po." Nagsalubong agad ang kilay niya. "Ha? Bakit niyo hinayaang umalis?" "Ayaw po niyang p-papigil eh." Dismayado niyang naisuklay ang kamay sa kanyang buhok. "Bakit hindi niyo ako ginising?" Napangiwi naman ito. "Eh nagalit po eh." Napabuntong hininga siya. Hindi dapat siya magalit sa mga kasambahay kung hindi man nil