ILANG ULIT pang nagpalakad-lakad si Duke habang hinihintay ang resulta ng paghahanap ni PJ ng paraan para mahanap si Louraine. Mababaliw na siya kapag hindi pa nila mahanap ang asawa niya at hindi siya matatahimik hanggang alam niyang kasama nito ang demonyong Dimitri na iyon. Parang sasabog na sa sobrang galit ang dibdib niya. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang takot. Marahas na huminga si PJ habang nakatutok ang mga mata sa isang monitor. "There's no use. Wala tayong paraan para ma-trace si Louraine dahil nasa atin ang cell phone niya. We can't track her." "And what do you suggest?" kalmadong tanong ni Sage bago pa siya makapagtanong. PJ looked at Duke. "All we can do is to wait for his call, unless of course we track that van." "God damn it!" He roughly raked a shivering hand