ANG SARAP hambalusin. Bulong ng utak ni Louraine habang pinapanood si Duke na tawang-tawa sa mga sinasabi ng bagong kasama nila. Si Yumi Han-ang matalik na kaibigan ng asawa niya. Kanina pa nakahain ang pagkain nila pero hindi man lang niya iyo malasahan. The beef was too chewy at nangangawit na siya sa pagnguya noon kaya ang ibang pagkain na lang ang tinikman niya. "That was so funny, right?" Yumi exclaimed with such happy laugh. "I also remember that one time when Zeke cried because tita wouldn't buy him a skater shoes. Sana kinunan ko siya ng picture non habang ngumangawa siya." Kanina pa ito nakikipagkuwentuhan kay Duke at tuwang-tuwa pa ito habang nagrereminisce silang dalawa tungkol sa pagkabata nila. At mukhang masayang-masaya at nag-eenjoy naman itong Duke na ito sa pang-iindya