THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "SIR. XAVIER, nandito na naman po ang asawa n'yo. May dala- dalang baon, hahayaan ko po bang pumasok dito? O paghihintayin ko naman po?" Napatingin si Xavier sa guard. Kumakain na siya ng lunch na galing sa canteen kasama ang mga ka-trabaho niya. "Talagang consistent 'yang asawa mo ha? Try mo kaya kainin mga binibigay niya. Appreciate her efforts." Pang-asar ng kaniyang ka-trabaho. "Huwag mo ngang itulak si Xavier sa kaniyang kamatayan." Sagot ng bakla niyang kaopsina na si Eddy. Mahinang natawa si Xavier sa sinabi nito. "Bakit mo ba pinakasalan 'yon kung tataguan mo lang? Pinikot ka ba no'n?" The gay asked again. Naalala ni Xavier ang lahat, nagtiim ang bagang niya. His officemates high fived each other at sabay na nagtawanan. "Confirmed, napikot si Manong!