MICHIGO HELA RIVAS HUMINGA ako ng malalim habang naghihintay sa malapit na coffee shop dito sa resort kung saan kami tumutuloy. Tumunog ang hawak kong cellphone. Nagkuyom ang palad ko sa sobrang kaba, hinawakan ko ang cellphone ng mahigpit. Kaninang umaga ay pinilit ko si Xavier na makipag bonding muna sa kaniyang mga kaibigan na nasa kabilang resort lang para naman makapunta ako dito. Ayaw nga niyang pumayag pero napilit ko siya. I told him I was okay, that it was okay. Yes, it will be okay. Matapos nito magiging okay na ang lahat lalo para sa kaniya. Napapikit ako at inalala ang makisig niyang mukha. I was so happy that I spent wonderful days with him. Wala na akong ibang mahihiling pa sa mundo'ng ito. He might be my obsession but as time goes by he became my worthy possesion. A wonder