MATULIN na lumipas ang limang araw matapos ang muli naming pagkikita ni Rix. Nagulat pa ako nang ibalita sa akin ni Liam na nakuha na niya ang isang unit sa St. Moritz at naghahanda nang lumipat. Sa sobrang saya ng loko ay inilibre pa kami sa labas dahil daw pasok sa budget niya ang presyo ng unit pati ang monthly nitong huhulugan. Nagkibit-balikat na lamang ako. But when he asked Mavi to sleep over at his condo, tila may malaking takot ang lumukob sa akin. Ang building na iyon ay pagmamay-ari ni Rix, her father. Halos hindi na ako nakakatulog sa gabi mula nang iparamdam sa akin ni Liam ang posibilidad na magkita ang mag-ama. And I still haven’t think of that possibility, kung handa na ba akong ipakilala kay Rixor si Mavi. “Ngayong nandito na siya, may karapatan na siyang malaman ang tun