TINITIGAN ko lang ang umaagos na tubig sa gripo, ngunit nang biglang may magsalita sa likuran ko ay saka lang ako napaigtad at muntik ko pang mabitawan ang hinuhugasang pinggan. I am spacing out again. Dalawang araw na. “Ate Lauriel, hindi pa rin po ba kayo papasok ngayon?” tanong sa akin ni Faye. Nilingon ko siya at halos tiningnan ko lang ang maamo niyang mukha. Kauuwi lang namin ni Mavi galing center, no’ng pumunta si Rix ng martes ay tumawag na lamang ako kina Ma’am Lenny at Liam na hindi ako makakapasok, dinahilan ko na lang masamang pakiramdam ko. At magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapasok. Rix stayed until midnight last Tuesday. Binagabag ako nang sabihin niyang kukunin niya ang custody ni Mavi. He never spoke to me since then. However, madali niyang nakapalagayan ng