“OUCH!” winagwag ko kaagad ang aking mga daliring napaso nang hawakan ko ng walang panapin ang kawali. Ngumiwi ako ng makita ang pamumula ng daliri ko. Nang makabawi ay kinuha ko ulit ang kawali at sinalin ang huling batch ng shanghai na pinirito ko. Napalingon ako sa gawing pintuan nang marinig ang yabag ng mga paa. Nakangiting nakatingin sa akin si Aling Midel na dala ang pinamili pang gulay at karne. “Napaso ka, señorita?” tanong niya kaagad. Tipid ko siyang nginitian, marahil ay narinig niya ako kanina lamang. “Okay lang po. Maliit lang naman,” ibinalik ko sa kalan ang kawali at pinasadahan ng tingin ang lamesang puno ng naluto na namin. Pinunasan ko ang noo kong may butil butil na pawis gamit ang kanang braso ko. Naluto na ang Spaghetti sauce, Caldereta, Chicken drumstick, Sweet a