Mabilis na lumipas ang tatlong araw. Pagkatapos ng short-lived vacation na iyon ay balik na ulit si Bendita sa Manila. sunod -usnod agad ang kanyang mga projects kaya puno rin ang schedule niya sa bawat araw. Sa ngayon ay nasa rehearsal siya para sa isang performance sa isang noontime show. “Okay, let’s have one more practice with this routine, Miss Bendita,” sabi pa ng kanyang dance coach. Tumango siya rito. “Okay po.” “Ready, position,” anito. Pumwesto siya sa gitna at sa likod naman ang kanyang mga backup dancers. Nakaharap siya sa malaking salamin ng dance studio habang hawak ang isang microphone na nakatapat sa bibig niya. Nag-intro ang kanta. “In four, three, two, one!” On cue, sumabay siya sa steps ng sayaw habang nili-lip sync and lyrics ng kanta niya. This will be her fi