“Thank you po!” masayang sabi ni Bendita sa driver nang iniabot nito ang in-order nila. Napakagat - labi na lang siya ahabang nanunuot sa kanyang ilong ang bango ng fried chicken. Narinig niya pa ang bahagyang pagtawa ni Niccolo sa kanya. Ramdam niya rin ang titig nito sa kanya pero wala siyang pakialam dahil gutom na gutom na talaga. Ang dami pa nilang in-order kaya takam na takam siya rito. “Kuya, o, ito!” aniya at ibinigay ang isang pack ng fried chicken. Kinuha niya ang ibang mga binili nila at inilatag iyon sa kanilang harapan. May parang pa-table sila roon sa van kaya comfortable na comfortable ang kanilang pagkain. “Ay salamat po, Ma’am,” sambit ng driver nila at kinuha ang kanyang ibinigay. “Oh, sa’yo,” sabi niya pa kay Niccolo at ibinigay rin ang isang pack ng chicken. He