Hindi mapakali si Bendita habang nakatingin sa kanyang sarili sa salamin ng kanyang kwarto. Kanina pa siya nag-aayos ng sarili. May pinadala ring hair stylist at make-up artist si RA sa kanya kaya hindi na niya pinroblema ang magiging ayos niya. Ang worry niya na lang ngayon ay kung paano niya pakakalmahin ang naghaharumentado niyang puso. “Miss Bendita, ten minutes before the time na po. Pinapatawag na po kayo sa ibaba.” Natigilan siya at saka napatitig sa kanyang sarili mula sa salamin. Bumuga siya ng hininga at saka nilingon ang mga kasama niya roon. Nginitian niya ang mga ito. “Thank you. Isang minuto lang po,” aniya pa at ibinalik ulit ang tingin. Bumuntong-hininga siya at pinagsaklop ang dalawa niyang mga kamay. Pumikit siya at saka pilit na pinapakalma na ang sarili. ‘Kalma,