They say when you’re having fun, time tends to fly so fast. “Anak, parang kailan lang kararating mo lang, a,” nakalabing sambit ng in ani Bendita habang hawak siya sa dalawang balikat. Bahagyang nataawa pa siya rito. “Ma, naman, wag na kayong malungkot. Pwede naman kayong bumisita roon tsaka tatawag ako,” paninigurado niya rito. Bumuntong-hininga lang ang kanyang ina. “Hmm hindi sure iyang tawag na iyan,” pagtatampo pa nito. Napairap na lang siya at napailing. Niyakap niya ito. “Sorry na, sorry na kung hindi consistent. Alam mo namang mahigpit ang schedule ko,” aniya pa habang nakapatong ang baba sa balikat ng ina. “Hmp. Alam ko. Naiintindihan ko. Nagda-drama lang ako,” sabi pa nito. Mas natawa lang tuloy siya rito. “Hay nako, ikaw talaga, Ma.” Kumalas na siya sa yakap. Tumikhim ang