Hindi pa sumisikat ang araw nang umalis si Bendita sa kanyang unit. Dala-dala niya ang isang malaking suitcase niya at ang kanyang shoulder bag. Naka jeggings na itim lang siya na tinernohan niya ng sweater na puti at puting sneakers din. May suot din siyang mask na itim at cap na puti. Better safe than sorry pa rin kahit na ihahatid siya ng company car. Mag-isa lang kasi siya at ang mga security niya ay nasa probinsya na nila. Hindi niya dala ang assistant na si Jan dahil gusto niyang magpahinga rin naman ito. Babalik na lang ito pag may meeting na siya sa production para sa kanyang next na single. Kinuha niya ang kanyang cell phone at tinext na ang kanyang mama na paalis na siya. Nakayuko lang siya habang pababa ng building. Bahagya pa siyang napaigting nang biglang tumunog ang elevato