“Hey, uhmm kailangan ko maaga umalis.” Ngumuso si Bendita kay Niccolo. Nakahiga pa rin ang lalaki sa kanyang kama habang siya ay nakaupo na sa paanan nito. Ready na siya at nakaayos na habang si Niccolo ay naka-topless lang at pupungas-pungas pa roon. Humikab ito at saka bumangon at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito at hinagkan sa noo. “Goodluck on your recording. Shall we have dinner later?” Kumalas siya sa yakap ng lalaki at nginitian ito. “Hmm sige. Gusto mo magluto ako?” tanong niya pa. Niccolo just shook his head. “No worries, I’ll cook.” Kinindatan pa siya nito. Tinaasan niy naman ito ng kilay. “Oh? Marunong ka?” “Hey, that’s offensive!” reklamo pa nito. Natawa lang siya. “Sige nga, magpakitang gilas ka nga,” hamon niya pa. Pinaningkitan siya nito ng mata at mayabang n