"Bendita!" "Here, Bendita, o!" "Naks, we are graced by the presence of the one and only Bendita Aguas, guys!" Napakamot na lang sa kanyang noo si Bendita habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng kanyang mga batchmates. Pagkatungtong na pagkatungtong palang nila sa venue ni Lena ay ganoon na agad ang bati ng mga ito sa kanya. Di nga niya alam kung nanti-trip lang ba ang mga ito o talagang totoo ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya. Naiiling na lang na umupo siya sa nakalaang upuan sa kanya. Ang venue nila ay sa may dalampasigan. May naka-set up lang na tent doon tapos may mga tables and chairs. Wala namang gaanong ganap o program. It was just a casual meet up and reunion na rin somehow. "So, Bendita, how's the celebrity life?" tanong ng isa niyabg batchmate na ka-table niya rin, si Li