Hindi alam ni Zascha kung ilang minuto silang nakatanga roon. Ang alam niya ay umiiyak lang siya habang nakatingin sa kawalan habang ito ay nakatingin lang din sa kawalan at hindi umiimik. Marahang pinahid niya ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi at saka bumuntong-hininga. Nilingon niya ito sa katapat na visiting chair. Saktong paglingon niya ay nakatingin na rin ito. Nagkasalubong nag kanilang mga tingin. She took another deep breath. "I'm done playing this game, Zeron," aniya at saka tumayo. "'Wag mong idamay ang kompanya namin. I don't know what you really want. But if you want to punish me for what you felt five yeara ago, you really didn't have to move a finger you know? Cause I'm bringing that scar everyday. I don't even know kung mawawala pa ito. Nakaganti ka na, okay? Wag

