"Wow dad! It's so nice!" Umalingawngaw ang boses ni Zachi sa buong sala ng mansyon ng mga Fortejo. Bumuntong-hininga na lang si Zascha habang nakatingin sa anak. Kagaya ng condition ni Zeron ay hinatid nila ito sa mansyon. Hindi niya nga alam kung anong trip nito, e. Napatingin siya kay Zachi na manghang mangha sa lugar. "Daddy is this your house po?" tanong pa ni Zachi. Tumango si Zeron sa anak. "Yeah, baby girl," anito. Bumuntong-hininga na lang siya at napailing. Lumapit siya sa anak. "Baby, we need to go home. Lolo-daddy is coming home later na," sabi pa niya. Agad na lumingon si Zachi sa kanya. Ngumuso ito. "Balik tayo here ha?" tanong pa nito. Tipid na ngumiti lang siya at tumango-tango na lang kahit na hindi niya naman talaga sigurado sa mga mangyayari pagkatapos n

