Sapo-sapo ni Zascha ang kanyang noo habang nakayakap sa mga tuhod. Nasa sala sila ng mga magulang niya kaharap ang kanilang TV. Her dad was on the phone making calls while her mom was calling her brother in France. Nakagat niya ang kanyang labi habang nakatitig sa balita. "Business Tycoon na si Lady Addelaide Fortejo ng Fortejo Group of companies, inatake sa puso matapos diumano ang isang kaguluhang naganap sa party nito kagabi kasama ang kanyang mga business partners. Kilala si Lady Addelaide bilang puno't dulo ng tagumpay ng Fortejo Empire sa mga nagdaang dekada. Napakarami na nilang negosyong naipatayo nationwide at maging worldwide ay balak na nga nilang pasukin. Marami rin siyang natulungan sa pamamagitan ng kanyang mga donations sa charities at mula rin mismo sa charitable inst

