Kagat labing tiningnan ni Zascha ang sariling repleksyon sa salamin ng CR ni Zeron. Bumuntong-hininga siya at umiling na lang. Binuksan niya ang gripo ng sink at saka naghilamos. Pagkatapos ay lumabas na siya ng banyo at umupo sa kama. Tiningnan niya ang kanyang cellphone. It's already 8 am. Kagigising lang niya at pagkagising niya wala na si Zeron sa kanyang tabi. He left her a note, anyway. Pinatawag daw ito ng head engineer at may ikokonsulta raw ito. Para siyang tanga roong hindi mapawi-pawi ang mga ngiti sa kanyang labi. Last night was great. So freaking great. Napalingon siya sa bukas na balcony. Pinapalid ng hangin ang puti nitong kurtina kaya bahagya niyang nakikita ang laman ng balcony. Nandoon pa rin ang set up nito kagabi. May mga series lighta pa nga sa mga railings a