Naalimpungatan si Zascha nang tumama sa kanyang mukha ang sinag ng araw mula sa bintana. Kinusot niya ang kanyang mga mata at inaninag ang paligid. "Morning, hotbabe." Agad na bumungad sa kanya ang nakangising mukha ni Zeron. Dahan-dahan siyang bumangon at inayos ang nakatakip na comforter sa kanya. "Where are we?" kunot noong tanong niya kay Zeron na nakasandal lang sa headboard ng kama nila. Nakatakip din ang comforter sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito habang litaw na litaw naman ang hubad nitong pang-itaas. "My condo, hotbabe." Mas lumaki ang ngisi nito. Umirap siya at bumuntong-hininga bago bahagyang umatras at sumandal sa headboard katabi ni Zeron. Nilingon niya ang katabi at tinaasan ito ng kilay. "Kailan ka pa nakabalik dito?" takang tanong niya. Nagkibit-balikat na