Humihingal na tumihaya si Zascha pagkatapos ng isang makapigil hiningang aksyon nila ni Zeron. "Leave now. Baka makahalata ang lola mo," aniya rito. Bahagyang tumawa si Zeron pero agad din namang tumayo. Narinig niya ang pagbibihis nito. Bago ito umalis ay hinalikan pa siya nito sa labi. Umirap na lang siya. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay saka niya ipinikit ang kanyang mga mata. Nakagat niya ang kanyang labi at saka umiling. Niyakap niya ang isang malaking unan at magpapadala na sana sa antok nang bigla namang tumunog ang kanyang cellphone sa may bedside table. Agad na kumunot ang kanyang noo at bumalikwas ng bangon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tumaas ang kanyang kilay nang makitang ang mommy niya iyon. "Mom?" bungad niya rito. "Hija! How's the party?" tanon