Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko kay Kobie sa mga oras na ito. Naging tahimik saglit ang pagitan sa aming dalawa pero pareho pa rin kaming dalawa na nagpapatuloy sa mahinang pag-ugoy ng aming mga katawan. Sumasayaw ng wala namang musika. Hindi ko man lang naramdaman ang pangangawit ng aking mga binti dahil nai-enjoy ko ang samahan naming dalawa ngayon. Maghahapon na pero wala pa kaming nagagawa kahit na isang round. Pero kahit isang beses ay hindi ko siya narinig na nagreklamo sa akin at hindi niya rin ako minamadali sa aming gagawing pagdasal. Pero ngayon ay napuno na siya ng panggigigil sa akin. Kung makahawak siya sa aking katawan ay para na niya akong kakayasan. "Just tell me if you want me to stop," mahina niyang saad. Paano ko pa siya patitigilin ngayon sa pag

