Kinagabihan ay kinukulit kami ng mga pinsan ni Axel. Wala silang ginawa kundi paulit-ulit kaming kinakatok sa kwarto para makasiguradong bababa kami. Gusto nilang sumabay kami sa kasiyahan sa ibaba. Nag-aalangan man pero kailangan kong sumang-ayon. Hindi rin kasi lalabas si Axel kung hindi ako sasama sa kaniya. Nahihiya kasi ako na pag-usapan kami ng mga kamag-anak niya at baka sabihin nilang lahat na hindi ako marunong makisama sa pamilya nila. Syempre kailangan ko rin magpa-impress sa nga kamag-anak niya. At isa pa, hindi naman mahirap pakisamahan ang mga ito. Mabait silang lahat at hindi mapanghusga. Sapat na sa kanilang lahat kung sino ang mahal ng pamilya nila. Kahit na wala akong gana, hindi ko naman sila matanggihan. Minsan lang naman ang ganitong okasyon kaya naisip

