“Kob, dito talaga?” ‘di ko mapigilang tanong sa asawa ko dahil ang hospital na nakikita ko ngayon mismo sa harapan ko ay ang mismong hospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Axel. Ang hospital kung saan din ito nagtatrabaho. “They have the best doctor here. Mas makakapanti ako kapag dito tayo,” seryoso niyang sagot sa akin na para bang wala man lang man kaming naging nakaraan ni Axel. Tama naman ito, kung ang tinutukoy niya ay ang mga mahuhusay na mga Doctor, hindi ito nagkamali ng hospital na pinuntahan. “Mahal dito ‘di ba?” Tukoy ko sa gastos at wala na akong maisip na dahilan para lumipat kami sa ibang hospital. Natawa pa ito sa sinabi ko at parang hindi makapaniwala sa naging tanong ko sa kaniya. Kung sabagay, ako nga na walang pera ay nagawa kong ipagamot si Tiyang Lala rito n

