Masaya na ako at kontento dahil nandiyan siya sa buhay. Pero mas naging masaya ang buhay ko dahil may madadagdag sa aming anghel. Kung asikasuhin ako ni Kobie ay para akong bata. Tuwang-tuwa rin ang pamilya niya ng malaman na buntis ako. Kahit si Nanay ay hindi na rin makapaghintay. Araw-araw akong sinasamahan ni Nanay na mag-ehersisyo sa umaga dahil ayaw ko ng esturbuhin pa si Kobie. Pero minsan kahit nahuhuli na ito ng pasok sa opisina ay inuuna pa rin ako. Nakikita ko naman na masaya siyang sumasama sa akin. Natutuwa nga ako kay Mommy Teria dahil araw-araw akong dinadalaw at dinadalhan pa ako ng mga prutas. Nakatambak na nga ang iba dahil sa dami ng mga dala niya. Hindi ko rin naman kasi maubos lahat. “Wife,” malambing na bulong sa akin ni Kobie at mukhang alam ko na kung
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


