"Dahlia, ikaw ba 'yan?" Hindi ako nakasagot dahil naunahan ako ng gulat. "Dahlia, ikaw nga iyan! Kumusta ka na?" nasasabik nitong tanong at bakas sa mukha ni Tita Teria ang labis na tuwa. Para bang hindi siya makapaniwala na nagkita kaming dalawa. Ganoon din naman ako. Paulit-ulit siyang namamangha sa kaniyang reaksyon habang kaharap ako. Hindi rin napigilan ni Tita Teria ang sarili na yakapin ako nang sobrang higpit. Parang kakapusin ako ng hininga dahil sa paraan ng pagyapos sa akin. Natulala ako. "T…ti-ta…" 'di makapaniwala kong sambit. Para akong natuod sa aking kinatatayuan at matagal ding nakabawi. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya at parang hindi makapaniwala na totoo ako. Para nga siyang nakakita ng multo. "Oh my God! Ikaw nga! Mas lalo kang gumanda," papuri nito s

