Chapter 121

1145 Words

Pasimple niya akong binitawan at binuksan ang napaka-elegante at mamahalin niyang shoulder bag na kulay itim. Isang bag pa lang ay milyon na ang halaga. Pero hindi na ako dapat magtaka dahil mayaman sila, sobrang yaman. Ang bait nga nito sa akin. Hindi ito matapobre gaya ng ibang mayayaman na walang ibang ginawa kundi ang mag-inarte. Syempre alam kong signature bag iyon. Sa yaman ba naman ng pamilya nila. May hinahanap siya sa loob ng shoulder bag niya at wala pang sampung segundo ay nabunot na niya ang nasa loob nito at inabot sa akin ang isang maliit na papel. Nakatitig lang ako sa hawak niyang papel at nag-aalangan na tanggapin iyon. Hindi kaagad ako nakapagpasya kung tatanggapin ko ba. Ayaw kong tanggapin dahil tiyak na ma-o-obliga akong tawagan siya. Nakakahiya rin naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD