Seryosong nagmamaneho ngayon si Axel at ako naman ay panay tanong lang sa kaniya. Ang layo na namin at wala akong ideya kung saang lupalop ng mundo niya ako dadalhin. "Axel, malayo pa ba tayo?" muli kong tanong at hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng natanong iyon sa kaniya. Siguro ay nakukulitan na siya sa akin ngunit hindi niya lang pinapahalata. Umiinit na rin ang puwet ko sa kakaupo. Paminsan-minsan pa kaming naiipit sa mabigat na trapiko kaya mas lalo lang kaming natatagalan sa byahe. Ngumiti siya sa akin at malambing akong tinanong. "Pagod ka na ba?" mahinahon niyang tanong sa akin at nababahala na rin sa akin. Gusto kong sabihin ang totoo, pero pakiramdam ko ay wala naman akong karapatan na magreklamo sa kaniya. Nakaupo lang ako, samantalang siya naman ay kanina p

