Chapter 116

1122 Words

"Maganda ba? Do you like it?" sunod-sunod na tanong ni Axel sa akin matapos niyang ihinto ang kotse niya sa napakatuktok na lugar na ito. Sa wakas ay nakarating na rin kami sa nasabing lugar. Actually parang pamilyar sa akin ang pangalan ng lugar. Hindi ko lang talaga matandaan kung kailan ko ito narinig at kung kanino ko narinig. Mapahanggang ngayon ay iniisip ko pa rin. Pero wala talaga akong maalala. Dali-dali akong lumabas at bumungad sa akin ang eleganteng restaurant pagbaba ko kaagad ng kotse. Maganda ang nasabing restaurant pero hindi ko mabigyan ng oras para pag-aksayahan ng panahon at puriin iyon. Sapagkat nakuha na ng atensyon ko ang magandang tanawin ng paligid na para bang ginagayuma ako at inaakit na huwag itong palampasin kahit isang segundo. Hindi ko maramdama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD