"Talaga ba? Hindi 'to biro?" nag-aalangan na tanong sa akin ni Axel at mukhang hindi man lang natuwa sa aking sinabi. "Sigurado ka ba, Dahlia?" patuloy niyang tanong at sunod-sunod iyon. "Huwag mo nga akong pina-prank!" patuloy niyang sabi at hindi pa rin makapaniwala. Halos hindi na ako mabigyan ng pagkakataon na sagutin ang unang tanong niya. Pero naiintindihan ko kung bakit ganito ang naging reaksyon niya. Hindi ko siya masisisi kung bakit nahihirapan siyang paniwalaan ako dahil alam niya ang lahat tungkol sa usapang puso ko. Ngumiti ako sa naging reaksyon niya bago ako sumagot. "Mukha bang joke?" Isang malalim na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan at nasundan pa ulit ng isa pa bago nagpasyang magsalita ng seryoso tungkol sa naging desisyon ko. "Dahlia, hindi mo kailanga

