"Anong pangalan mo, Hija?" nasasabik na tanong sa akin ng mommy ni Kobie at hindi ako nakasagot kaagad sa tanong niya sa akin. Parang tumigas ang dila ko ngayon na nasa loob ng aking bibig. Gusto kong kumibo pero umurong ang dila ko. Napansin ni Kobie na natataranta ako sa presensiya ng Mommy niya kaya pinisil niya ang aking palad at tahimik na pinaratting sa akin na ayos lang ang lahat. "Relax," mahina niyang sabi dahil ang totoo ay halatang kinakabahan ak. Hindi ko mapigilan na kabahan dahil sobrang nabigla ako nang malaman na siya ang Mommy ng boyfriend ko. "Hija, ayos ka lang ba?" nag-aalala nitong tanong sa akin at hinawakan niya ang kaliwa kong kamay na nakatapong sa ibabaw ng mesa habang ang isa ko namang kamay ay nasa ilalim ng mesa at pinagsiklop na ni Kobie upang pagaan

