Ilang araw ko ng napapansin si Axel na para bang wala sa kanyang sarili. Para bang nawawala siya sa kaniyang sarili at parang kung saan-saan na nakakarating ang kaniyang diwa at isip. Ang aga-ga niya akong tinawagan ngayong araw na 'to. Kaya napilitan din akong bumangon ng maaga at maligo kahit na wala naman talaga sa plano ko ang umalis sa araw na 'to. Pagod ang katawan oo dahil para akong nabugbog kahapon sa dami ng mga stock na dumating. Wala dapat akong gagawin ngayong araw na 'to pero napasubo ako na dapat sana ay nilalaan ko sa pagtulog. Kahit naman tumanggi ako sa kaniya na huwag ng ituloy. Wala rin naman akong magagawa. Alam kong hindi niya ako tatantanan hangga't hindi niya ako napapa-oo. At ang tangi niya lang sinabi sa akin bago nuya pinatay ang tawag ay hintayin

