Chapter 101

1304 Words

Nasasabik na si Tita Teria na magsimula ako sa pagkukwento sa kaniya tungkol sa relasyon naming dalawa ng anak niya. Sa totoo lang ay hindi ko talaga inaasahan na magagawa nilang pag-isipan ng kakaiba ang anak. Gaya na lang na bakla ito. Kahit sa aking masamang panaginip at bangungot ay talagang nakakawindang na malaman na minsan na nilang napagkamalan na bakla si Kobie. Sa gwapo ba naman ng anak nila at sa kakisigan ng pangangatawan nito ay naisip pa rin nila iyon. Nakaakbay ngayon si Kobie sa balikat ko at bumulong sa akin na huwag ng pansinin ang Mama niya. "Makulit 'yan at mas makulit pa 'yan sa 'yo," mahina niyang bulong sa akin. "Dahlia, saan nga pala kayo nagkakilala ng anak ko?" mahinhin na tanong sa akin ni Tita Teria habang dahan-dahang sinisimsim ang mainit na kape.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD