Masaya at kampante akong nagising mula sa mahimbing na tulog. Sino ba ang hindi matutuwa kung ang malambing at gwapong lalaking kasama ko ngayon ay ang lalaking pinakamamahal ko. Magaan at masarap sa pakiramdam dahil nagising akong yakap-yakap niya pa rin ako. Ngayon pa lang ay pinagdarasal ko nang sana hindi na kami magkakahiwalay pa kahit kailan. Ano man ang harapin naming pagsubok, mananatili kaming matatag at walang bibitaw. Hindi ko mapigilan ang mapangiti at gumanti rin ako nang yakap sa kaniya. Mas hinigpitan ko pa dahil nakakapanggigil ang mabango niyang amoy. Niyakap ko siya ng may puno ng paglalambing at pagmamahal. Pinapangako ko sa aking sarili na mamahalin ko ang aking pinakamamahal na asawa hanggang sa kabilang buhay. Inangat ko ang aking ulo at tiningnan ang maa

