Pagkatapos naming mag-s*x ni Kobie ay nagmamadali kong sinuot ang damit niya. Suot ko ngayon ang white polo shirt ni Kobie habang nakahiga pa rin ako sa sofa nang may bigla na lang akong narinig na nag-doorbell sa pinto. Parang hindi pa ito nakontento dahil kumakatok na nga ito sa pinto pero paminsan-minsan pa niyang hinahampas ang pintuan. Ang kulit naman ng tao sa labas. Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa pader at napagtanto ko na alas singko pa lang ng umaga. "Kobie, bakit ang tagal mo! Kanina pa ako kumakatok dito!" nangungulit ng boses ng isang babae na wala pa ring plano na umalis. Ang ganda ng boses nito at parang magkasing edad lang kami. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko kasi ay isa ito sa mga babae ni Kobie noong mga panahon na pinagtataguan k

