Hindi ako mapakali dahil nakokonsinsiya ako sa ginawa ko kay Dahlia kaya hindi ako makatulog. Kung alam ko lang sana kung saan ito nakatira ay kanina ko pa sana siya pinuntahan ngayon at humingi sa kaniya ng tawad. Kung hindi ito nangyari ngayon ay baka hindi ko masigurado ang nararamdaman ko para sa kaniya. Masyado akong apektado at natatakot ako na baka hindi na siya magpakita pa sa akin. Nagtanong na ako kay Nena kung saan nakatira ang kaibigan niya pero wala akong nakuhang sagot. Buong buhay ko ito pa lang ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong pagseselos na hindi ko nagawang kontrolin ang aking sarili. Parang akong nababalot ng masamang ugali na hindi ko inaasahan na mailalabas ko pagdating kay Dahlia. Marami akong natuklasang bago sa nararamdaman ko at umabot na

