Lumapit si Papa sa tabi ni Mama ng mapansin niyang hindi pa rin ito tumitigil sa kakatawa. Maging si Lola ay hindi rin pinalampas ang reaksyon ni Mama. "Ma, tumigil na po kayo. Wala naman pong nakakatawa sa sinabi ko," saway ko sa aking ina pero hindi pa rin ito huminto. Para na talaga siyang kinikiliti sa kili-kili dahil sa aking sinabi. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. "Teria, bakit ba ang lakas nang tawa mo? diretsahan tanong ni Lola sa aking ina. "Pinagtitinginan ka na ng mga bisita natin," patuloy nitong ani. "Mommy, itong apo niyo po kasi ang hilig magbiro," sagot ni Mama sa tanong ni Lola sa kaniya at tumatawa pa rin ito. Halos hindi na maintindihan ang sagot niya dahil sa kakahagikhik. "Ma, hindi nga ako nagbibiro. Totoong may nobya na ako." Lahat sila ay napali

