Nagising ako kaagad ng maramdaman ko ang malambing at masuyong yakap sa akin ni Kobie. Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing kinukulong niya ako sa mga bisig niya. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin sa pamamagitan ng malambing niyang yakap mula sa aking likuran. Napangiti ako dahil sa wakas ay nakarating na rin siya. Nakatulugan ko na ang paghihintay ko sa kaniya pero ang mas importante ngayon ay nandito na siya at magkasama na kaming dalawa. Kahit na ano mang klase nang yakap ang ibigay niya sa akin ay hindi pa rin siya kailanman nabigong iparamdam sa akin ang pagmamahal niya. Mahigpit man o maluwag ay hindi ko magawang ikompara dahil wala namang pinagkaiba. Sa ano mang paraan ay ramdam ko pa rin ang pag-ibig niya sa akin. Kinikilig ako ngayon sa kaniyang ginawa ng

