"Cheers!" Malakas na sigaw ni Cj na tinugunan din namin nang sabay-sabay na salita na kagaya ng sinabi niya. Napangiwi ako dahil hindi ko man lang nalasahan ang alak na ininom ko. Natitiyak din akong iyon din ang reaksyon ni Nena kahit na hindi ko siya tanungin. Parang juice lang ang lasa at hindi ko matantiya kung ilang pursyento lang ang alcohol ng ininom namin ni Nena. Nasanay akong uminom ng nakakalasing na inumin at mataas ang alcohol tolerance ko pagdating sa mga alak. Iyon ang nagpapadagdag ng income sa akin dahil malaki ang komisyon ko kapag binibilhan kami ng alak ng mga customer. Mas higit na malaki ang pursyento namin ni Nena kapag ang customer mismo ay maraming nao-order na alak. Habang patuloy kami sa paglagok ng kaniya-kaniya naming hawak na mga alak ay hindi ko

