Finally, ikakasal na nga kaming dalawa ni Axel. Sa tuwing naiisip ko na ikakasal na nga ako, si Tiyang Lala ang naaalala ko. Tiyak na masaya na siya ngayon para sa akin. Iyong saya na wala ng mapaglagyan. Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mag-propose siya sa akin. Naging maayos ang aming samahan at sinikap ko na iwasan si Kobie. Sa dalawang taon naming engaged sa wakas ay paparating na rin ang araw ng kasal namin. Kapag naalala ko ang mga nangyari, parang hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Malapit na kaming mag-isang dibdib at sisiguraduhin ko na magiging katuwang niya ako kahit na ano man ang mangyari. Magiging mabuti akong asawa at hindi ko siya bibiguin. Masyado naging mabilis ang panahon na para bang panaginip lang ang lahat. Sa gabing sumagot ako ng

