Parang kinurot ang puso ko dahil sa pananahimik ngayon ni Axel. Hindi ko alam kung paano ko papawiin ang sakit na nararamdaman niya. Kahit na hindi ako matalinong babae gaya ng iba, hindi naman ako tanga. Nararamdaman ko kung kailan siya malungkot. Kanina lang nakatulog siya saglit dahil tinamaan na ng espiritu ng alak. Ngayon ay tila ba bigla itong nahimasmasan at hindi na ulit dinalaw ng antok. Nawala rin ang sigla sa kaniyang sarili at nabalot ito ng lungkot at pag-iisip. "Axel…" mahina kong tawag sa pangalan niya, ngunit hindi man lang niya ako narinig sa lalim ng kaniyang iniisip. Wala rin akong lakas na loob para sabihin sa kaniya na wala siyang dapat na ipag-alala. Kanina pa siya hindi kumikibo sa tabi ko. Nakakabingi na ang labis na katahimikan . Hindi ko rin si

