EXCITED na si Rain sa pagdating ni Kaiden. Lumalabas siya ng bahay ngunit sa palibot ng mansiyon lamang siya naglilibot dahil maraming torista ang dumadayo sa resort. Karamihan sa mga ito ay gusto lang mag-picnic, mag-harvest all you can. Promo ‘yon ng resort. Sa halagang sampung libo, marami nang maha-harvest na gulay ang prutas, basta hindi lalagpas sa required basket of each item. Doon din namimili ang mga fruits and vegetables vendor mula Maynila. Kailangan pa niyang hintayin ang araw ng Lunes bago makagala sa buong lupain. Sa lawak ng nasasakupang lupain, kailangan merong sasakyan. Meron namang nirerentahang sasakyang kayang pumanhik sa matatarik na bahagi ng lugar. Mula sa rooftop ng mansiyon, sa ikaapat na palapag, natatanaw niya ang matarik na bundok na karugtong ng lupaing pag-