UMABOT ng gabi sa yate sina Kaiden at Rain. Naglayag sila patungong beach na nasasakop na ng Subic Bay. Na-miss ni Rain ang lugar na ‘yon. Madalas silang mamayal ni Kaiden sa beach at nagpapalipas ng gabi. Hindi na siya naka-disguise kaya kabado dahil nakilala na siya ng kapitan ng yate. “Don’t worry; I paid him to keep this moment secret,” ani Kaiden. Naliligo na sila sa dagat, sa ibaba lang ng yate. “You spent a lot of money, Kai!” bulalas niya. Siya ang naghihinayang sa perang binibigay nito sa mga taong posibleng banta sa kanilang relasyon. “Walang sayang kung para sa proteksiyon natin,” anito. Nagpalutang ito sa tubig. “Eh bakit galit na galit ka sa natalo mong pera sa golf?” kastigo niya rito. “Iba ‘yon. Hindi naman nakatulong sa atin ang paglalaro ko ng golf. Pinagbigyan ko l