HININTAY ni Rain na makaalis si Cathy bago nilapitan si Dion. Mabuti hindi na siya sinundan ni Kaiden. Bigla itong nawala. “I need to go, Rain. Baka ma-late ako sa taping. See you later,” paalam ni Dion. Humalik ito sa pisngi niya. “Puntahan mo na lang ako sa Cania studio mamaya. Dediretso ako roon pagkatapos ng trabaho ko rito,” aniya. “Okay. Just call me.” Sabay na silang lumabas at naghiwalay lang sa elevator. Pababa ito, siya naman ay paakyat. Bumalik siya sa opisina ng CEO pero wala roon si Kaiden. Nilubos niya ang pagkakataon na wala ito. Inapura niya ang trabaho. Marami pang kulang na detalye na dapat niyang ilagay sa presentation. Wala siyang kopya ng new designs ng mga damit. Inilipat niya sa kaniyang flash drive ang unfinished presentation saka lumabas. Nagtungo siya sa sho