“SAAN tayo pupunta, Kai?” balisang tanong ni Rain. Hawak siya ni Kaiden sa kanang kamay at nakasunod lang siya rito. Kumuha ito ng ilang damit niya, at ibang gamit at umalis sila ng bahay. Nagpaalam naman sila sa tiyahin nito at sinabing may dadaluhan silang beach party. Pero sa yate sila sumakay. “Ano’ng kalokohan ‘to, Kai?” kabado nang tanong niya. “Don’t worry, it’s not kidnapping,” he said. Nang makitang kasama nila ang operator ng yate at isang lifeguard, napanatag siya. Pumasok na lamang siya sa kuwarto dala ang gamit nila. Nang pumasok si Kaiden ay bumalik ang kaba niya. “Kaiden, ano ba ang nangyayari?” nababahalang tanong niya. Hindi niya magawang umupo. “We’re just caught, but no reason to put us in jail,” biro pa nito at tumawa. Bumuga siya ng hangin. “Seryoso ako, Kai.”