Chapter 80

2643 Words

ALAS SIYETE ng umaga nagising si Rain. Mahaba-haba na ang tulog niya ngunit nanghihina pa rin siya. Ang private nurse ang nabungaran niyang nakahiga sa sofa, tulog pa. Ito pala ang nagbantay sa kaniya magdamag. Akala niya ay si Dion kasi narinig niya ang boses nito nang madaling araw. Tinantiya niya ang lakas, sapat upang makakilos siya. Nang makaupo siya’y nagising ang nurse. Dagli itong bumangon at nilapitan siya. Inalalayan siya nito patayo. “Saan po kayo pupunta?” tanong nito. “Gusto kong magbanyo. Maliligo ako,” aniya. “Sige po. Dahan-dahan lang.” Iginiya na siya nito papasok ng banyo. Nakakaya na niyang kumilos basta mahinhin. Dinala ng nurse sa banyo ang bag niya at bihisang damit. Hindi na siya nagpasama roon sa banyo. Hindi siya mapakali. Pakiramdam talaga niya ay may gumalaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD