DAHIL sa sinabi ni Kaiden kay Alejandro, puro business ang paksang binuksan nito. Wala namang ibang intensiyon si Rain kundi ang makipagkaibigan. Of course, getting more friends would give her more chances to get the job. Isa rin sa pangarap niya na makapunta sa ibang bansa at makilala sa larangan ng pagmomodelo pero part-time pa rin. Napagod sa hanggang gabing activities si Rain kaya diretso siya sa kuwarto pag-uwi ng beach house. Sabay silang umuwi ni Kaiden pero bigla itong nawala pagdating nila. Lasing ito pero sakto lang na kaya nitong kontrolin. Hindi na siya ulit nito kinausap. Naparami rin ang inom niyang cocktail. Hindi rin naman siya makatulog dahil sa mahabang chat sa kaniya ng ina. Wala pa man siyang ginagawa ay mala-nobela na ang sermon nito. Sinabi lang niya na naparami ang