LALONG nahilo si Rain sa tapang ng pabango ng lalaki. Nang makaupo na siya ay saka niya na-realize na nasa loob siya ng kotse. She felt unsafe at the moment, and still confused with the guy’s pressence. Akmang bubuksan niya ang pinto ngunit naka-lock na ito at katabi na niya ang lalaki. Madilim sa puwesto nila at hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki. Hindi naman ito si Josh, natitiyak niya iyon. “Let me go!” sigaw niya. Hindi umimik ang lalaki. Nilapitan pa siya nito upang ayusin ang seat belt niya ngunit nagpumiglas siya. Walang lakas na sinuntok niya ito sa dibdib ngunit hindi ito natinag. He held her arms and forced her to stop moving. “Stop,” he whispered against her mouth. She raised her head and hoping to see the guy’s face, yet the dark covered him. Ang tanging naramdaman ni