Chapter 20

2545 Words

“KAIDEN? Ano’ng ginagawa mo, ha?” natatarantang tanong ni Emma. Talagang hindi binitawan ni Kaiden si Rain. Pakiramdam niya’y malalagutan na siya ng hininga sa kakapigil ng emosyon. “Wala naman, Emma. Inalalayan ko si Rain dahil nahilo,” pilyong sagot ni Kaiden. Pinagpawisan nang malamig si Rain. Katakut-takot ang titig sa kaniya ng ina. Nagkunwari na lang siyang nahihilo nga. Inalalayan siya ni Kaiden paupo sa bench. Dagling lumapit si Emma at itinabing ang kamay ni Kaiden na nakahawak sa balikat niya. “Huwag mo na siyang hawakan!” asik nito sa binata. Tumawa nang pagak si Kaiden. “Ayos, ah. Kung makataboy ka sa akin daig ko pa ang may contagious na sakit.” “Alam ko ang galawan mo, Kaiden!” “Bakit ba takot kang hawakan ko ang anak mo, Emma? Akin naman siya dati,” buwelta ni Kaiden.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD