TINAPANGAN ni Rain ang anyo upang ipakita kay Dion na galit siya rito. Hindi niya ito pinapasok. “I said I need space,” matigas niyang sabi. “Rain, we need to talk, please.” Pilit nitong itinutulak ang pinto. “No! Ayusin mo ang buhay mo, Dion! Ayaw ko ng gulo!” singhal niya rito. “I’ll prove to you that Cathy is lying!” “Tama na! Wala na akong pakialam sa problema ninyo. Cathy won’t stop ruining me if she didn’t get you back.” “Nababaliw na siya! Kahit anong gawin niya, hindi ko na siya babalikan!” “I don’t care! Maging responsible ka, Dion. May anak ka!” “Hindi ko anak ang batang ‘yon!” giit nito. Naiirita na siya. Pilit niyang itinutulak ang pinto ngunit itinulak din ito ni Dion. Nauubusan na siya ng lakas. Mamaya ay may pumigil sa pinto. Pareho silang nagulat ni Dion at napatin